na araw-araw ay kumakayod para may maipakain sa kanyang pamilya. Sa pamamasura at pangangalakal, kumikita siya ng humigit-kumulang ₱150 hanggang ₱200 sa isang araw — maliit, pero pinaghihirapan nang buong puso.

“NINAKAWAN NA, PERO NAGAWA PA RING TUMULONG GAMIT ANG NATITIRANG LIMANG PISO”
Sa kabila ng hirap ng buhay at edad na 70 taong gulang, patuloy pa ring nagsusumikap si Lolo Jowie, isang basurero na araw-araw ay kumakayod para may maipakain sa kanyang pamilya.
Sa pamamasura at pangangalakal, kumikita siya ng humigit-kumulang ₱150 hanggang ₱200 sa isang araw — maliit, pero pinaghihirapan nang buong puso.
Ngunit minsan, pati iyon ay nawawala sa isang iglap.
Ayon kay Lolo Jowie, isang gabi ay ninakawan siya — kinuha ang bag, pati ang kaunting pera at mahahalagang ID.
“Bente pesos na lang nga, kinuha pa,” malungkot niyang kwento.
Kahit ganito ang sinapit, hindi tumigas ang puso ni Lolo.
Isang araw, habang naglalakad siya dala ang mga kalakal, nadaanan siya ng isang negosyanteng si Shewin Lim, na nagpanggap na humihingi ng tulong pambiling gasolina.
Sa halip na pagdudahan, agad ibinigay ni Lolo Jowie ang natitirang limang pisong barya sa kanyang bulsa.
Naantig si Lim sa ginawa ni Lolo — isang taong halos walang-wala, pero nagawang magbigay pa rin.
Sabi ni Lolo, “Minsan kasi may mga nagbibigay din naman sa akin… kaya kung ako binibigyan, dapat tumulong din ako.”
Hindi na napigilan ni Lim ang kanyang paghanga.
Kaya bilang gantimpala, ibinalik niya nang doble-doble ang kabutihang ipinakita ni Lolo Jowie — isang biyayang bunga ng maliit ngunit taos-pusong pagtulong.
“Pag tumulong ka sa kapwa mo, mas higit pa dun ang darating sa’yo,” sabi ni Lim.
Ngiti at pasasalamat lang ang naisukli ni Lolo — masaya na siya na nakatulong, kahit sa limang pisong barya lang.
Hindi kailangang mayaman para makatulong — minsan, ang pinakamaliit na tulong, mula sa pinakamalaking puso.
“STOLEN ALREADY, BUT STILL MANAGED TO HELP USING THE FIVE PESOS LEFT”
Despite the hard life and the age of 70, Grandpa Jowie, a garbage collector who works every day to feed his family.
In observation and trading, he earns about ₱150 to ₱200 a day — small, but worked hard with all his heart.
But sometimes, even that disappears in an instant.
According to Grandpa Jowie, one night he was robbed — the bag was taken, including some cash and valuable IDs.
“It’s only twenty pesos, but it’s still taken,” his sad story.
Even though this happened, Grandpa’s heart didn’t harden.
One day, while he was walking carrying goods, a businessman Shewin Lim passed him, pretending to be asking for help with fuel.
Instead of being suspicious, Grandpa Jowie immediately gave the remaining five peso coin in his pocket.
Lim was touched by what Grandpa did — someone who had almost nothing, but still managed to give.
Grandpa said, “Sometimes there are people who also give me… so if I am given, I should also help. ”
Lim could not contain his admiration.
So as a reward, he returned double the kindness Grandpa Jowie showed — a boon of a small but heartfelt help.
“If you help others, more will come to you,” Lim said.
Grandpa only got a smile and gratitude — he’s happy to have helped, even with just five peso coins.
You don’t have to be rich to help — sometimes, the smallest help, comes from the biggest heart.