BATA SA GUMACA, PATAY MATAPOS MAKAGAT NG ALAGANG TUTA SA KABILA NG KUMPLETONG ANTI-RABIES VACCINATION
TINGNAN: Nananawagan ng malalimang imbestigasyon ang kaanak ng 6-anyos na batang lalaki na binawian ng buhay matapos makagat ng alagang tuta sa kabila ng agaran at kumpletong pagtanggap ng anti-rabies vaccine sa Gumaca, Quezon.
Ayon sa mga magulang ng bata, nakagat ng tuta ang kanilang anak noong Mayo 7, 2025 at agad itong dinala sa District Hospital kung saan nakatanggap ito ng unang dose ng anti-rabies vaccine.
Muling tinurukan ng ikalawang dose ng bakuna ang bata noong Mayo 12, ikatlong dose noong Mayo 16, at ang huling turok ay naganap noong Hunyo 4.
Nitong nagdaang Hunyo 12, nakaranas ang bata ng lagnat at mas tumindi pa ito kinabukasan, Hunyo 13, na sinabayan pa ng pagsusuka. Nakitaan na rin umano ito ng sintomas ng rabies.
Sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang bata makalipas lamang ang ilang oras.
Dahil dito, patuloy na nananawagan ang pamilya ng biktima upang matukoy kung ano ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng bata. Nais din nilang malaman kung may pagkukulang sa proseso ng pagbabakuna ang ospital o depektibo nga ba ang bakunang ginamit.
Source/Photo: Peewee Bacuño; Naira Arcaya, MaLourdes Zoleta (Facebook)
CHILD IN GUMACA, DEAD AFTER BITING PET PUPPY DESPITE COMPLETE ANTI-RABIES VACCINATIONLOOK: The child of a 6-year-old boy who was rescued after being bitten by a pet puppy despite the immediate and complete receipt of an anti-rabies vaccine in Gumaca, Quezon is calling for serious investigation.According to the child’s parents, their child was bitten by a puppy on May 7, 2025 and was immediately brought to the District Hospital where it received its first dose of anti-rabies vaccine.The child was re-injected with the second dose of the vaccine on May 12, the third dose on May 16, and the final injection occurred on June 4.Last June 12, the child had a fever and it became worse the next day, June 13, accompanied by vomiting. It seems that the symptoms of rabies have also been detected.Unfortunately the child was brought back to life just a few hours later.Because of this, the victim’s family continues to appeal to determine what truly caused the child’s death. They also want to know if the hospital has a defect in the vaccination process or if the vaccine was used was defective.Source/Photo: Peewee Bacuño; Naira Arcaya, MaLourdes Zoleta (Facebook)