Ako si Lance, 18, at graduating student sana ako ngayong taon. Pero hindi ko na makukumpleto ang huling mga buwan ko sa klase na buo ang barkada. Kasi ngayon, tatlo na lang kami sa dati naming grupo. Dahil ‘yung tatlo hindi na kailanman makakapasok sa school.
Sila ‘Yung Masayahin sa klase, sila ‘yung trio na laging magkakasama, Lira, Cheska, at Jonel.
Si Lira ‘yung palangiti, medyo maingay, pero matalino.
Si Cheska ‘yung kalmado pero palabiro, tahimik pero biglang tatapon ng punchline.
At si Jonel, ‘yung kuya ng grupo. May motor, mabait, hindi siraulo pero game kahit saan.
Kami-kami ang madalas magkakasama sa lunch. Tuwing uwian, tambay sa tapat ng sari-sari store. At kapag sabado, gala kung gala sa foodpark, sa plaza, minsan kahit simpleng pasyal lang sa highway para makalanghap ng hangin.
Pero isang araw, may biglaang desisyon na nagbago ng lahat. Ang lakad na ‘di dapat
Wednesday noon. Maaga ang uwian dahil half-day ang klase para sa meeting ng faculty.
Dapat pupunta sila Lira, Cheska, at Jonel sa library para tapusin ‘yung group report. Pero sa halip na pumasok, nag-aya si Jonel.
“Gala na lang tayo sa Kabilang Bayan, may milktea doon na masarap. Treat ko.”
Siyempre, game agad sina Lira at Cheska. Sanay na kasi sila. Lagi namang nagro-road trip ‘pag walang klase.
Tatlo silang sakay sa motor.
Walang helmet sina Lira at Cheska.
At walang nakaalam sa amin. Wala ring pasabi sa mga magulang nila.
Bandang alas-3 ng hapon, habang binabaybay nila ang pababang kalsada papuntang kabilang bayan, biglang sumulpot ang isang tricycle mula sa intersection. Hindi na nakapreno si Jonel.
Tumilapon ang motor.
Tumama ang ulo ni Lira sa poste.
Si Cheska, sumemplang at bumangga sa bangketa.
Si Jonel, nahulog sa kabilang lane, at nasagasaan ng kasunod na sasakyan.
Isang tahimik na hapon ang biglang napuno ng sigawan, dugo, at sirena ng ambulansya.
Pagkatapos ng Ingay. Nabalitaan namin ito kinabukasan sa eskwela. Lahat kami nagulat. Akala namin fake news. Pero nang pumasok si Ma’am Ortiz, ang adviser namin, umiiyak siya. Hindi siya nagsalita agad, pero ramdam na agad namin.
“Wala na sina Lira, Cheska, at Jonel.”
Wala kaming nasabi. Lahat ng estudyante sa classroom, tulala. Yung ibang kaklase, humagulhol. Ako? Nanghina. Hindi ako makapaniwala.
Nakita ko pa nga sa notebook ni Lira yung drawing niyang “Graduation goals” noong nakaraang linggo. Nakasulat pa,
“3rd honor sana ako, pangarap ni Papa.”
Hindi na niya maaabot ‘yon.
Tatlong magkahiwalay na kabaong.
Tatlong magkaibang bahay na may puting tela sa labas.
Tatlong pamilya na sabay-sabay na nawalan ng anak.
Yung motor? Na-salvage. Wasak.
Yung gulong? Wala na.
Yung isang sapatos ni Jonel, nakita pa sa kanal.
Nagpa-misa ang eskwela. Buong barangay dumalo. Yung principal, di na napigilang umiyak habang binabasa ang mensahe sa huling pamamaalam. Sabi niya, “Sana hindi natin sayangin ang buhay. Laging magdesisyon nang may pag-iingat. Kasi minsan, isang maling liko, wala nang balikan.”
Tatlo na lang kami sa group chat. Pero tahimik na. Wala nang biruan. Wala nang video call.
Pinag-graduate kami ng sabay.
Pero may tatlong upuang bakante sa stage noong moving up day.
Tatlong medalya ang tinanggap ng mga magulang para sa mga anak nilang hindi na muling babalik.
“Gag4la lang naman kami, Lance saglit lang.”
‘Yan ang sabi ni Lira sa akin noong huling usapan namin.
Hindi ko akalaing iyon na pala ang huling beses na maririnig ko ang boses niya.
Wag kayong gumaya sa amin.
Isang maling araw.
Isang maling desisyon.
Tatlong buhay ang nawala.
Hindi na sila nakauwi.