Isang kahanga-hangang kwento ng pag-asa at pagmamalasakit ang muling pumukaw sa damdamin ng mga Pilipino matapos masalaysay ang karanasan ni Lola Cloud, isang stray dog mula Sta. Mesa, Manila.
Kritikal ang lagay ni Lola Cloud matapos siyang masagasaan hindi lang isa, kundi dalawang beses sa parehong araw. Marami ang nawalan na ng pag-asa sa kanyang kalagayan ngunit hindi ang animal shelter na tumulong sa kanya.
“Habang may hininga pa siya, hindi namin siya bibitawan. Si Lola Cloud ay hindi lang aso isa siyang paalala na wag tayo susuko Kahit anong hirap.-Animal shelter
Ayon sa ulat ng #PhilStarFurYou, nakita si Lola Cloud na duguan at halos hindi na gumagalaw sa kalsada. Agad siyang dinala sa vet ng isang animal welfare group na tumugon sa panawagan ng tulong. Bagama’t maraming bali at sugat sa katawan, lumaban si Lola Cloud.
“Hindi namin magagawang talikuran siya. Habang may tibok pa ang puso niya, may pag-asa pa,” ani ng rescue volunteer mula sa animal shelter.
Kasalukuyan siyang nasa intensive medical care pinapaliguan ng pagmamahal, dasal, at suporta mula sa mga taong hindi man niya kadugo, ay itinuring siyang pamilya.
Ang kwento ni Lola Cloud ay paalala sa ating lahat na ang buhay kahit pa tila wala nang pag-asa ay laging karapat-dapat ipaglaban. Sa kabila ng sakit at paghihirap, ang pagkakaroon ng malasakit at pagmamahal mula sa kapwa ay makapangyarihang sandata laban sa kamatayan. Maging inspirasyon sana si Lola Cloud sa ating lahat—na sa gitna ng kawalang pag-asa, may mga taong handang magmahal at lumaban para sa mga hindi makapagsalita.