
Sa malawak at misteryosong karagatan, kung saan ang mga barko ay tila lumulutang na mga lungsod, may mga kwento ng kabayanihan, pagsubok, at minsan, ng trahedya na nag-iiwan ng matinding bakas sa mga pamilyang naiiwan sa pampang. Ito ang nakakagulat at nakakalungkot na kwento ni Gel, isang masipag na Pinoy seaman, na parang bula na lang na naglaho sa gitna ng malawak na karagatan, na nag-iwan sa kanyang pamilya na balot ng pighati, pagtataka, at isang tanong na hanggang ngayon ay walang kasagutan: Ano ang tunay na nangyari sa kanya? At sino ang may alam?
Ang Pangarap ng Mag-asawa: Buhay sa Dagat, Pamilya sa Lupa
Nagsimula ang lahat noong 2005 nang mag-krus ang landas nina Gel at Nessie. Si Gel, na nag-aral sa Misamis Institute of Technology, ay nagmula sa tahimik na bayan ng Kulambugan, Lanao del Norte. Pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon siya ng maayos na buhay, kaya’t matapos makatapos ng kolehiyo, pinasok niya ang pagmamarino, umaasang makapagbibigay ng magandang kinabukasan sa kanyang pamilya. Matapos ang ilang taon, hawak ang diploma bilang marine engineer, mabilis siyang nakakuha ng trabaho.
Habang nagpapromote ng experience, nakilala niya si Nessie May, na nagmula sa Leyte at nagtapos ng Bachelor of Science in Office Administration. Sa kabila ng laging malayo sa isa’t isa, napanatili ng dalawa ang kanilang relasyon. Matapos ang ilang taon na puno ng pagsubok, nagpakasal din sila, at ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng dalawang magandang supling.
Kasabay ng paglaki ng kanilang pamilya ay ang lalong pagtindi ng kagustuhan ni Gel na magtrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng maayos na buhay ang mga ito. Noong 2008, pinalad siyang matanggap sa Rio Tinto Marine Vessel. Bagamat mahirap, iniwan niya ang kanyang mag-iina. Ayon sa interview kay Nessie, si Gel ay laging sinisigurado na tatawag ng ilang beses sa isang araw. Kahit wala sa mga espesyal na okasyon, lagi naman ito nagbibigay ng mga regalo upang maramdaman ng mga bata na lagi silang iniisip ng kanilang ama.
Ibinahagi din ni Nessie na kung ang ibang mga Filipina ay problemado sa kanilang kabiyak o nobyo na seaman dahil sa babaero, nagloloko, o mahilig sa sugal at alak, ni isang beses ay hindi niya iyon naging problema. Sapagkat pagkatapos ng trabaho, si Gel ay diretso na agad sa cabin nito para tawagan silang mag-iina. Makikita rin sa mga larawan na si Gel ay palakaibigan at nakarating na sa iba’t ibang bansa sa loob ng ilang taon ng pagtatrabaho. Sinigurado din ni Nessie na ang pinagpagurang sahod ng kanyang asawa ay hindi mapupunta sa wala. Kaya’t upang mapaikot ang pera at makatulong na rin kay Gel, siya ay nagtayo ng maliit na negosyo at kalauna’y nagdesisyon din na maging barangay kagawad. Hinangaan ng mga tao ang kanilang pagsasama dahil sa diskarte at galing nila sa paghawak ng pera at relasyon.
Ang Huling Paskong Magkasama: Isang Trahedyang Hindi Inasahan
Noong 2024, si Gel ay nagtatrabaho bilang deck fitter sa Rio Tinto Marine Vessel, nakasakay sa bulk carrier na RTM Zenghe. Ayon sa kontrata, ang malaking cargo vessel ay babyahe mula China patungong Western Australia—isang ruta na hindi na bago kay Gel. Ayon kay Nessie, limang taon na si Gel sa Rio Tinto Marine Vessel dahil sa ganda ng kanyang performance. Inilarawan din siya ng kanyang mga kaibigan sa barko bilang napakabait, gentle, open-minded, at laging handang tumulong na ibahagi ang kanyang eksperto sa mga bagong seaman.
Noong Disyembre 24, 2024, kahit malayo at nasa trabaho, hindi nakaligtaan ni Gel na kausapin si Nessie sa video call, lalo na noong bisperas ng Pasko. Masaya silang nag-usap. Ipinakita ni Gel ang ilang mga laruan na binili niya para sa Pasko ng kanilang mga anak. Dahil hindi pa tapos ang kanyang kontrata, sinabi ni Gel na dadalhin niya ang mga ito pabalik sa Pilipinas. Nagbabala din ito kay Nessie na baka hindi na siya makatawag sapagkat ang ruta na kanilang dadaanan ay walang signal. Masaya pa rin silang mag-asawa na nabati nila ang isa’t isa sa Pasko. Paulit-ulit na sinabi ni Gel na babawi siya pag ito ay nakauwi na.
Natapos ang Disyembre 25, at gaya ng inaasahan, hindi na nga naulit ang pagtawag ni Gel. Ngunit kinabukasan, Disyembre 26, bandang 8:00 ng umaga, isang tao mula sa agency ni Gel na Anglo Eastern ang nagmamadaling pumunta sa bahay nila Nessie. Nang mabasa ni Nessie ang sulat, bumagsak ang kanyang mga luha at napasigaw siya. Ang kanyang pinakamamahal na asawa ay nawawala pala.

Ang Paglaho sa Karagatan: Misteryo at Paghahanap
Ayon sa sulat mula sa agency, ang 44 taong gulang na si Gel ay huling nakita noong Disyembre 26. Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Nessie, ngunit ang mas masakit ay kahit gusto niyang tumulong sa paghahanap, hindi niya alam kung paano at sino dapat ang kanyang kontakin. Tinangka niyang tanungin at kontakin ang mga kasamahan ni Gel sa barko, ngunit tikom ang bibig ng mga ito dahil sa umuusad pa ang imbestigasyon. Ang mga nakapending na orders sa negosyo ni Nessie ay kinansela lahat dahil hindi na siya makapag-concentrate sa pagtatrabaho. Nag-aalala rin siya sa kanyang mga anak na sanay na laging kausap si Gel at ngayon ay nagtatanong kung nasaan ito at kailan babalik ang kanilang ama.
Ang tungkol sa nangyari kay Gel ay napickup lamang ng mga news outlet sa bansa noong Disyembre 30, apat na araw pagkatapos nitong maiulat na nawawala. Bukod sa agency ni Gel, walang ibang sektor o ahensya ng gobyerno ang lumapit kay Nessie para magbigay ng tulong. Nang maipaalam naman sa Philippine Coast Guard (PCG) ang nangyari, mabilis silang nagpadala ng isang helicopter na umalis sa Zamboanga International Airport. Sapagkat nang mawala si Gel, nasa teritoryo ng Pilipinas ang barko, na may layong 111 nautical miles sa northwest ng Zamboanga City Pier, o tinatayang 96.44 milya (155 km) lamang ang layo sa lupa.
Ngunit ang search and rescue operation ng PCG, na isinagawa noong Disyembre 28, 2024—dalawang araw pagkatapos maiulat na nawawala si Gel—ay naging bigo. Wala silang nakita maliban sa maliliit na bangka ng mga mangingisda at pailang-ilang small debris. Hindi maipaliwanag ni Nessie kung bakit late na umaksyon ang PCG, ngunit maaaring ang komunikasyon sa bawat ahensya ay nahuli dahil sa Christmas holiday at maaaring nakabakasyon pa ang mga opisina ng gobyerno.
Ang Mga Teorya: Aksidente o Krimen?
Base sa interview sa crew ng cargo ship, hindi mabilis ang takbo ng kanilang barko, at ang klima ng dagat ay kalmado, walang malalaking alon noong umaga ng Disyembre 26. Bandang 9:00 ng umaga, si Gel, na isang deck fitter, ay pumunta sa direksyon ng Buson Store—at iyon na ang huling beses na siya ay nakita. Bandang 10:00 ng umaga, nang magpahinga ang crew para sa tea time, doon lang nila napansin na wala si Gel. Wala ni isa sa mga ito ang makapagsabi kung nasaan siya, kaya mabilis nilang inalaruhan ang kapitan ng barko.
Ang kapitan ay agad kinontak si Chaplain Reverend John Chong para bigyan ng emotional support ang lahat ng mga katrabaho ni Gel naapektuhan sa pagkawala nito. Pagkatapos ng pag-uusap sa chaplain, nagbago ang mood ng crew, at tila tinanggap na nila ang nangyari.
Ngunit may mga nagsisimulang magtanong: Posible kayang hindi aksidente ang nangyari?
Ang Philippine Coast Guard ay nakakita ng safety helmet na nakumpirma ng pagmamay-ari ng cargo ship na RTM Zenghe. Ngunit dahil walang nakitang bangkay o katawan, ayaw nilang kumpirmahin na ang may-ari noon ay si Gel sapagkat wala namang silang ibang pruweba. Nang marami nang nagpo-post sa social media tungkol sa pagkawala ni Gel, ang ilang mga Pinoy ay hindi maiwasang magsabi na maaaring hindi aksidente ang nangyari. Sa halip, ang ilan sa kanila ay nagsabi na marahil itinulak ito ng isang taong may galit o inggit sa kanya.
Nang tanungin si Nessie tungkol sa isyu na yan, sinabi nitong ni isang beses ay wala namang nabanggit si Gel sa kanya na merong taong may galit, inggit, o sama ng loob dito. Ngunit idinagdag niya na nabanggit ni Gel sa kanya dati na halos lahat ng mga Filipino na kasama nito ay puro mga baguhan at walang gaanong karanasan, kaya lahat ng mga ito ay masunurin. Ang masakit lamang sa kanya ay ni isa sa mga ito ay hindi man lamang gustong makipag-usap sa kanya. Sa kabila ng lahat, hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang posibilidad na ito ay maaaring itinulak nga kaya ito ay nahulog sa barko. Ngunit ang teoryang iyan ay mahirap mapatunayan sapagkat wala palang CCTV sa cargo ship, at ang barko ay mayroon lamang audio recording.
Ang Imposibleng Pag-asa at ang Patuloy na Pananampalataya

Ayon sa kalkulasyon ng AI o robot, 17% hanggang 25% lamang ang posibilidad na makitang buhay pa si Gel. Ngunit ayon sa isang user sa Reddit, napakaliit ng tiyansa na mabuhay ang isang tao kapag nahulog ito sa malaking barko. Kapag malaki ang barko, marami din ang mga tubig na ibinubuga nito para lumutang. Kung mahulog ka, maaari kang humampas sa katawan ng barko, mahila ka pailalim, o ang malala ay mahila ka papunta sa engine o propeller, na magiging dahilan ng mabilis mong kamatayan. Kung makalayo ka man sa barko, maaari ka namang mamatay sa hypothermia, kung saan ang temperatura ng katawan mo ay bumaba ng 95°F (35°C). Kung magka-hypothermia ka, hindi ka lamang lalamigin, kundi magha-hallucinate ka din na kalaunan magiging dahilan ng iyong kamatayan.
Ipagpalagay na nahulog nga si Gel ng 9:00 ng umaga, delikado pa rin ang buhay niya. Kung magpalutang-lutang siya ng matagal, manghihina ang kanyang mga binti sa kakalangoy, na magreresulta sa cramping o pulikat. Kung walang makakita sa kanya, si Gel ay maaaring malunod.
Ngunit kahit mas malaki ang posibilidad na patay na si Gel, ang misis nito na si Nessie ay matindi pa rin ang paniniwala na ito ay buhay pa rin. Ang kanyang pananampalataya at pagmamahal sa kanyang asawa ay mas malakas pa kaysa sa lahat ng negatibong posibilidad. Ang kanyang panawagan ay isang matinding pakiusap: “Nasaan ka man ngayon, magpakita ka na sa amin. Hinahanap ka na ng mga anak natin. Miss na miss ka na ng mga anak mo at ako.”
Ang kwento ni Gel ay isang malungkot na paalala sa mga panganib na kinakaharap ng mga Pinoy seaman sa kanilang paglalakbay sa malawak na karagatan. Ito rin ay isang testamento sa katatagan ng pamilyang Pilipino, na patuloy na umaasa at naghahanap ng kasagutan sa gitna ng matinding pighati. Hanggang ngayon, ang paghahanap ay patuloy, at ang misteryo ng paglaho ni Gel ay nananatiling isang bukas na sugat, isang tanong na hinihintay ang kasagutan mula sa ilalim ng karagatan.
